Ang Ibinabatid ng Maka-Pilipino
Itong Pilipino, na sinasabing noong unang panahon
na ating tunay na mga pag-asa, noong hindi pa pumaparito sa mga lupaing ito ang
mga banyaga, ay nabuhay sa lubos na kasimplehan at kapayapaan. Kaibigan nila
ang mga kapitbayan at lalung-lalo na ng mga nakakatanda, sila ay kaakibat at
kapalitan ng mga ideya, malabis ang pagyabong ng lahat ng kaisipan, kaya’t
dahil dito'y maayos at matalino ang kaasalan ng lahat. Ang lahat ay marunong bumasa at sumulat ng talagang pagsulat nating
mga Pilipino.
Dumating ang mga dayuhan at nagsimulang
makipagkaibigan. Sa mabuti nilang pakikisalamuha na diumano, tayo'y aakayin sa
lalong modernisasyon at karangyaan, at lalong imumulat ang ating kaalaman. Gayon
man, sila'y nangako na makikisama sa mga Pilipino, at ipinagtibay ang kanilang
panunumpa sa pamamagitan ng mga papel na naglalahad ng lubos na pagtatapat na
hindi magtataksil sa pinagkayarian. Ito'y siyang tinatawag na pangongontrata.
Buhat nang ito'y mangyari ay higit na bumibilang na
ngayon ang lahi ng mga banyaga ay ating binubuhay sa lubos na kawaldasan; ating
pinagtatamasa at binubusog, kahit abutin natin ang kahirapan at kamatayan.
Ginugugol natin ang yaman, dugo at sampu ng buhay sa pagtangkilik sa kanilang
mga produkto at kaugalian; hinahayaan lang natin sampu ng tunay na mga anak ng
bayan na pumayag na sa kanilang impluwensya’y magpasailalim.
Ngayon, sa lahat ng ito, ano sa mga ginawa nating
pagpapasakop ang nakikitang kaginhawahang ibinigay sa ating kabuhayan? Ano ang
nakikita nating pagtupad sa kanilang kapangakuan na siyang naging dahilan ng
ating paghihirap at paglimot sa nakagisnan? Wala kundi pawang kataksilan ang
resulta sa ating mga pagtangkilik sa kanilang industriya. At ang mga pagtupad
sa kanilang ipinangakong tayo ay lalong gigisingin sa
kagalingan? Bagkus tayo'y binulag, ginawa tayong kanilang hamak na pagkakakitaan, pinilit na wasakin ang kultura at magandang pagkakakilanlan natin sa ating Bayan. Iminulat tayo sa isang maling paniniwala at isinadlak sa ating isipan ang kababawan ng kapurihan at kalinangan ng ating Bayan.
kagalingan? Bagkus tayo'y binulag, ginawa tayong kanilang hamak na pagkakakitaan, pinilit na wasakin ang kultura at magandang pagkakakilanlan natin sa ating Bayan. Iminulat tayo sa isang maling paniniwala at isinadlak sa ating isipan ang kababawan ng kapurihan at kalinangan ng ating Bayan.
At kung tayo'y mangahas humingi ng kahit gabahid na
tulong, ang nagiging kasagutan ay ang tayo'y kunwaring tulungan ngunit lalo
tayong ibabaon sa kasalatan. Ang bawat isang produktong banyaga na binibili
natin ay itinuturing na isang pagkakamali at madaliang nilalapatan ng
pagtataksil sa sariling bayan.
Ngayon, wala nang maituturing na sariling atin sa
ating pamamayan. Ngayon, lagi nang ginagambala ang ating
kabuhayan ng umaalingawngaw na kababawan at pagiging makabanyaga, paglimot sa kakayahan nating lumikha ng mga produktong makakasabay sa malakihang merkado at pagkakaroon ng pag-iisip na nakatuon sa pag-unlad ng ibang bayan liban sa atin.
kabuhayan ng umaalingawngaw na kababawan at pagiging makabanyaga, paglimot sa kakayahan nating lumikha ng mga produktong makakasabay sa malakihang merkado at pagkakaroon ng pag-iisip na nakatuon sa pag-unlad ng ibang bayan liban sa atin.
Ngayon, tayo'y nabubulag na sa pangangailangan ng
bayan na mapansin ang angkin nitong
linang, sa paghihinagpis ng mga kababayan sa kahirapan, na ang bawat bagay na
di nakikita ay katulad ng isang maliit
na isda na walang kakayahang lumaban at nakikiayon na lamang sa agos ng malakas na
alon. Ngayon, lalo't lalo tayong nababahiran ng tanikalang nakalalait sa bawat
kababayang may iniingatang kapurihan.
Ano ang nararapat nating gawin?
Ang kakayahan nating talikuran ang nakasanayang
mentalidad ay malinaw na maghahatid sa atin sa pagbabago sa nabulag na landas
na dapat nating tunguhin. Ang pagbabago natin ay nararapat upang makita natin
ang mga masamang naidulot sa atin ng mga ganid na asal.
Ibinabatid na wala tayong iba pang maaasahan kundi
lalo't lalong kataksilan, lalo't lalong kamangmangan, lalo't lalong kahirapan,
at lalo't lalong kawalan ng pag-asa sa pag-unlad.
Ibinabatid na huwag nating sayangin ang panahon sa
magandang pagbabago sa ipinangakong kaginhawahan na hindi darating at hindi
mangyayari.
Ibinabatid na tayo'y gumalaw ng ating sarili at
huwag antayin sa iba ang ating kabuhayan.
Ibinabatid na tayo'y mamulat, magkaugnayan sa mga
ideya at akala, at tayo'y magkalakas na maihanap ng solusyon ang naghaharing
pagmamagaling sa kultura at nakasanayan sa ating Bayan.
Panahon na ngayong dapat na gumising at harapin ang
katotohanan.
Panahon nang dapat nating ipakilala na tayo'y may
sariling kakayahan, may hangarin, may lakas at pagkakaisa.
Ngayon, panahon nang dapat simulan ang paggamit ng
sariling atin na magtitigil sa dayuhang pamamaraan na bumubulag sa ating
kaisipan. Panahon na ngayong dapat makilala ng mga kababayan ang pinagmulan ng
ating mga kahirapan. Araw na itong dapat kilalanin na sa bawat hakbang natin ay
nalalapit tayo at nabibingit sa malalim na hukay ng kamatayan na sa atin ay
ninanais ng mga dayuhan.
Kaya, O mga kababayan! Ating idilat ang nabulag na
kaisipan, at buong-pusong gamitin sa kagalingan ang ating lakas sa tunay at
lubos na pag-asa na magtagumpay sa minimithing kaginhawahan at pagkakakinlanlan
ng bayang sinilangan.
No comments:
Post a Comment